Mundo- Ang sigurado ay hindi ito perpekto
Naiwan na sa isipan natin mula pagkabata na bilog mundo. Sa daming beses ba naman na natin nakita ang ang mga larawan nito eh, sa ating paaralan na ipinamulat sa atin ng ilang guro sa agham, sa tv o sinehan at mismong galing sa bibig ng ating mga magulang. Perpektong bilog daw ito.
Iyan ang pumasok na sa ating isipan, bilog ang mundong ating ginagalawan . Ang hirap na tuloy paniwalaan ngayon kapag may ilang bihasa na nagsasabi na hindi bilog ang mundo natin. Pinatunayan daw ito ng ilang travellers o nagsagawa ng expiditions. Ngunit dahil sa mga makabagong pelikulang ating napapanood mula noon ay kahit alam nating hindi naman perpektong bilog ito ay natatalo pa rin ang isip natin na ang mundon perpektong isang bilog.
Maliit na bagay kung tutuusin sapagkat eh ano nga naman kung hindi bilog? Unang una ay dito naman tayo nakatira. Wala namang nagbago. Maliban na lamang na naniniwala ang ilan sa atin na kaya may climate change ay dahil nalalaman natin na hindi pala tunay na perpektong bilog ang mundo.
Parang ang mga taong dati nating nakasama at nawala na. Silang mga gamay na natin at perpekto na sa atin. Iyong alam na nila kung sino tayo, iyong matatanggap nila kung sino ka sa kabila ng mapaghamon at di maingat na salita kasi nga perpekto sila sa'yo at ikaw kanila. Ngunit tanga lang talaga tayo kadalasan. Kapag nawala na ang mga taong iyon ay pilit nating hinahanap sa iba ang tingin natin sa kanilang perpekto. Tinatakasan natin ang katotohanan na hindi sila perpekto gaya ng tingin mo noon sa mga nawala mong kaibigan na sa mata mo ay oo. Iba iba ang tao. Kanya kanya ang lugar ng pagka perpekto. Kung nasanay ka na lahat ay perpekto at sang ayon sa'yo noon ay masasaktan ka lamang at makakasakit. Hindi mo maaaring ipagsigawan na "Bakit ganyan kayo? Bakit mali kayo?" kasi sigurado ako na mas malakas pa ang sigaw nila sa likod ng mga isip nila na "Bakit ganito itong tao na to? Sobrang akala mo naman peepekto "

Comments
Post a Comment