Defense...defense....!
(Mga Supling ni Sigmund)

Bata pa lamang ako ay naririnig ko na ang katagang ito, "it takes one to know one" at "look who is talking"?
Bakit nga ba muna sinasabi nating mga tao ito bilang "comeback" sa insulto sa atin? Halimbawa na lamang kapag si Magdalena ay sinabihan at pinaratangan ni Salome o ni Delilah na isang maduming babae at sumagot si Magdalena ng "LOOK WHO IS TALKING?" o kaya naman ay sumagot ang isang kaibigan ng "It takes one to know one!" sa paratang ng kanyang kaibigan na sgurado daw sya na  ito ay may itinatagong bisyo. Minsan naman ay tatahimik na lamang pero kadalasan ay sumasagot. Nangangatuwiran. Tumatanggi at ibinabalik sa nagsabi ang sinabi.

Noong tayo ay mga bata pa lamang at kapag tayo ay nakipag away sa ating kalaro o nakaka tandang kapatid at medyo dehado tayo ay paborito natin ang linyang ito, "Hindi naman masakit...akala mo ah..belat" pero sinasabi natin iyon na halos pahikbi na. Isang katunayan na mga bata pa lamang tayo tayo ay dala dala na  natin ang isalba at depensahan ang mga sarili natin sa paraang alam alam natin. Sa volleyball ba ay bakit standard na kailangan nating depensehan ang umo opensa?  Hindi ba upang hindi tayo tamaan at masaktan at para hindi rin makapuntos? Upang manalo.
Sa katunayan nga kapag sinasabi natin na "Pwede ba? bakit kita papatulan?" o iyong " Kill them with silence" ay isang matatawag na depensa ito eh . Meron din naman na natin na pinili nating tumahik kasi marahil ay hindi natin kaya ang kaaway natin o mahal natin, o ayaw na nating lumaki pa ito para iwas gulo na lang. Pero eto nga ang siste eh, mabigat sa dibdib. Aminin.

Ilang lamang iyan sa kinlasipay ni Sigmund Freud na katangian nating mga tao. Sa atin. Hindi lamang sa akin o sa'yo o sa kanya ngunit sa atin. Kasama si Freud. Kasi paano nya napag aralan ito kung hindi nya nararamdaman at ginagawa. It takes one to know one;-)

Ang iba ay sadyang napaka galing lamang na kahit na ang isang masungit at hindi nananalamin na psychologist na mga unang supling ni Sigmund.

Kaya naman iyong iba kapag sumisigaw at nagiingay ay mababansagan agad na "DEFENSIVE naman masyado yan!". Eh sa tahimik kaya at patay malisya ay anong tawag....EXPENSIVE?

Don't get me wrong sana sa mga babasa nito. Ang sinasabi ko lamang na tayo ay nagmula lahat kay Sigmund Freud kapag depensahan ang paguusapan.




Comments

Popular posts from this blog

Mundo- Ang sigurado ay hindi ito perpekto