Posts

Mundo- Ang sigurado ay hindi ito perpekto

Naiwan na sa isipan natin mula pagkabata na bilog mundo. Sa daming beses ba naman na  natin nakita ang ang mga larawan nito eh, sa ating paaralan na ipinamulat sa atin ng ilang guro sa agham, sa tv o sinehan at mismong galing sa bibig ng ating mga magulang. Perpektong bilog daw ito. Iyan ang pumasok  na sa ating isipan,  bilog ang mundong ating ginagalawan . Ang hirap na tuloy paniwalaan ngayon kapag may ilang bihasa na nagsasabi na hindi bilog ang mundo natin. Pinatunayan daw ito ng ilang travellers o nagsagawa ng expiditions. Ngunit dahil sa mga makabagong pelikulang ating napapanood mula noon ay kahit alam nating hindi naman perpektong bilog ito ay natatalo pa rin ang isip natin na ang mundon perpektong isang bilog. Maliit na bagay kung tutuusin sapagkat eh ano nga naman kung hindi bilog? Unang una ay dito naman tayo nakatira. Wala namang nagbago. Maliban na lamang na  naniniwala ang ilan sa atin na kaya may climate change ay dahil nalalaman natin na hindi pal...
Defense...defense....! (Mga Supling ni Sigmund) Bata pa lamang ako ay naririnig ko na ang katagang ito, "it takes one to know one" at "look who is talking"? Bakit nga ba muna sinasabi nating mga tao ito bilang "comeback" sa insulto sa atin? Halimbawa na lamang kapag si Magdalena ay sinabihan at pinaratangan ni Salome o ni Delilah na isang maduming babae at sumagot si Magdalena ng "LOOK WHO IS TALKING?" o kaya naman ay sumagot ang isang kaibigan ng "It takes one to know one!" sa paratang ng kanyang kaibigan na sgurado daw sya na  ito ay may itinatagong bisyo. Minsan naman ay tatahimik na lamang pero kadalasan ay sumasagot. Nangangatuwiran. Tumatanggi at ibinabalik sa nagsabi ang sinabi. Noong tayo ay mga bata pa lamang at kapag tayo ay nakipag away sa ating kalaro o nakaka tandang kapatid at medyo dehado tayo ay paborito natin ang linyang ito, "Hindi naman masakit...akala mo ah..belat" pero sinasabi natin iyon na halos pa...